|
Noong ako ay 1 taon pa lang |
Sa isang liblib na lugar na hindi naman kalayuan sa bayan, may isang sanggol na isinilang noong ikawalo ng oktubre taong 1994 na nagngangalang Edelito D. Guerra at ako iyon. Ako ang unang anak o panganay ng aking mga magulang. Nagkaroon din ako ng kapatid na masayahin. Simpleng pamilya lnang kami, hindi kami sobrang yaman ni hindi naman sobrang hirap yung tama lamang sa estado ng buhay. Madaming naging trabaho ang aking ama habang nasa Brgy. Sta Isabel kami. Ang halimbawa na lang ay pag-sasaka, construction worker, nag-aalaga ng mga hayop at kahit mangingisda. Ang aking ina naman ay simpleng may bahay lamang.
Noong bata pa ako natatandaan kong may malapit sa aming bahay ng intsik na madalas akong iniiwanan g aking mga magulang sa tuwing may pinupuntahan ang aking mga magulang. Isang araw umulan sa amin. Ang daan pa sa amin ay lupa daanan pa ng mga sasakyan, nang aking nakakabatang kapatid ay pupunta na sana sa aming ina na naglalaba sa may poso ng maglaro kami sa putik. Noong nakapunta na kami sa aming ina ay napagpalo kami. Hindi ko lang matandaan kung ganu kami katagal sa Famy Laguna para sa isang bakasyon. Naging masaya ang buhay ko doon. Madalas kaming pumupunta sa bundok, dahil dun nakatira ang kamag-anak ng aking ina, madalas din kaming maligo sa ilog doon.
Mayroon din kaming hindi kalawakang lupain sa Brgy. Sta Isabel at Brgy. Concepcion. Ang mga puno ditto ay niyog, lanzones, rambutan, dalandan at mga gulay pa. habang may namumuti sa amin ng mga prutas ay naninimot naman ako ng lag-lag pero ang sakit naman mangagat ng mga alilingas. Ngayon naman ay may tanim kaming papaya at gabi. Nag aalaga din kami ng baboy na madalas akong naglalakad para lamang na pakainin ito mula sa Concepcion papuntang Sta. Isabel. Tanda ko pa tuwing hapon naliligo ako dahil naliligo na rin ako sa dumi ng baboy. Naranasan ko ng linisin ang loob ng kural. Nag-alaga rin kami ng baka, kabayo, kambing na meron pa rin kami at kalabaw na ginagamit sa pag-sasaka para taniman ng mais at ng mga gulay. Ang hindi ko makakalimutan na inalagaan naming hayop ay manok na dahil merong isang inahing manok na bagong pisa pa lamang ang itlog. Nang habulin ko ang mga sisiw ng inahing manok noong bata pa ako at bigla na lamang akong sinabong ng inahing manok at tumakbo na lamang ako papunta sa aming bahay at umiyak na lamang. Isa na rin ang hindi ko makalimutan ay noong habang nag-kakawit sa amin ng niyog at may nahuli silang malaking sawa na inilagay sa sako. Akala ko na kung ano ang laman ng sako yun pala ay malaking sawa, nang Makita ko ito agad akong umakyat sa lamesa noong inilapag ang malaking sawa. Pagkatapos ay binalatan nila ang sawa at niluto at ginwang pulutan ng iba.
|
Ang bahay namin sa Concepcion |
Noong lumipat na kami sa Concepcion ay naging layas na ako o palaging wala sa bahay. Madalas ay nasa ‘baskeball court’ ako o kaya’y kasama ng mga taga roon na bata rin tulad ko. Kung saan-saan kami napunta, madalas masyadong malayo ang aming pinupuntahan. Simula umaga na iyon hanggang hapon at hindi na rin ako nakakakain ng tanghalian dahil na rin ako’y nasa layasan. Sa Concepcion nandito ang bunot lake madalas ako ritong lumalangoy kasama ang mga kabataan dito kahit na hindi ako marunong lumangoy at kahit hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong lumangoy.
|
Noong 4 na taon pa lamang at nasa may tabing-dagat |
Madalas din kaming mag-camping kasama ang aking mga kamag-anak. Madalas ay nagtutungo sa ibat-ibang resort. Madalas kong ginagawa ay ang pag-ihi sa pool kahit bawal. Hindi ko makakalimutan noong kami’y nagpunta noon sa calamba kasama ang mga manlalaro ng basketball na nagwagi ng kampyonato. Nagpasama pa ako sa kanila na kahit hindi ako kabilang sa kanilang kuponan. Hilig ko rin ang maglaro ng ‘basketball’, madalas din akong sumali sa ‘limahan’ kahit hindi ako masyadong marunong. Ang madalas kong ginagawa ay magtago sa likod ng aking kalaban para hindiako mapasahan ng bola kasi ayaw kong tumira baka kasi palaging sala. Napasali na rin ako sa mga liga. Isang beses ipinasok ako 4
th quarter na at unang pasok ko lamang iyon, pianasa sa akin ang bola ng aking kakampi, itinira ko ang bola at napalpalan niya ako dahil sa malaki ang aking hinarap. Sumunod na laro ipinasok ulit ako at isang pagkakataon 4
th quarter na ulit ako isinabak at ang masama noon ay isang minute na lamang ang nalalabi. May panibagong palaro para sa ‘basketball’ at kasali ulit ako roon, 1
st quarter ipinasok ako na tumagal ng humigit kumalang na pitong minute, sunod naman ay ipinasok ako sa buong 3
rd quarter at sa huling limang minuto na lang ipinasok ako sa 4
th quarter at wala pang labing limang Segundo inilabas kaagad ako at ni hindi man lamag ako nakahawak ng bola o nakatira man lang. lahat ng sinalihan kong liga ay 1
st kami o kaya’y 2
nd dahil iisa lamang ang kalaban naming. Dalawang beses nagkagulo sa aming pa liga dahil yung una ay coach lamang ang aking ama at parang hindi siya sumasang ayon sa pamamalakad ng committee dahil may kinikilingan itong kuponan. Nag kasagutan sila kaya nagkagulo at natigil ang laro at walng sinumang nanalo. Ang sumunod naman ay ang aking ama ay naging ‘playing coach’. Nagsimula na ang laro, kalagitnaan na ng laro ay pumito ang referee, foul daw ang aking ama, pagkatapos ay sinabi ng aking ama na “ Ang bangis naman ng pito mo ref” ang referee pa ay kamag-anakan namin. Ang ginawa ng referee ay nagtungo sa committee at ibinigay ang pito at sinabing humanap na lang sila ng ibang referee para sa laro. Pagkatapos ay pumunta sa kalagitnaan ng court ang namamahala ng laro at sinabing “ Ang hirap maghanap ng referee pagkatapos ay ganoon na lamang ang ginawa ninyo. Pagkatapos ay naghamon ng panuntok ang namamahala at nagsimula ang gulo. Buti lamang dalawa ang court sa amin at doon sa isa ay maayos ang pamamalakad.
|
Noong ako'y nagtapos ng kinder |
|
Sa may tindahan noon sa may Intsik. ako ay mga 5 taong gulang |
Elementary pa lang ako ay naging malungkot, masaya at makulay ang aking buhay. Kinder pa lamang ako noon ay lubah na akong makulit pero kakikitaan pa rin ng katahimikan. Akala ko noon ay half-day pa rin kahit nasa unang baitang na ako. Madami akong naging kaibigan at madami rin akong naging nakilala na mga taga ampunan. Minsan sinabi nila ang buhay nila sa loob ng bahay ampunan na napakalungkot daw talaga. Ang karamihan sa kanila ay naglalayas sa hindi ko malang dahilan, kung ako lamang para sa kanila mas nais ko silang manatili sa ampunan kaysa sa lansangan na walang makain at matulugan ng maayos kapag masama ang panahon. Noong nasa ikalawang baiting na ako ay nagkasakit ako ng “dengue” at dinala ako sa isang ospital sa Saint lukes. Ang nakakalungkot sa pagiging mag-aaral ko noon habang nasa ikalawang baiting ay sa taong ito dahil namatay o lumisan ang aking mahal na tiyahin na lumaking matandang dalaga. Noong nasa ikatlong baitang na ako may naging kamag aral ako na masungit, mataray at hindi mo alam ang iniisip. Ayaw ko siyang maging kaaway. Nang nasa ikaapat na baitang na ako ay kamag aral ko pa rin si Jorgina na masungit, pero ditto ko nakilala ang aking tunay na kaibigan. Naging matalik kong kaibigan sa loob ng tatlong taon. Madalas kaming mag laro ng aking mga kamag aral ng “sikyo”, habulan, taguan at kung anu pang mauso na laro. Naranasan kong maging isang man lalaro na dama. Lumaban na ako noon sa isang ‘district meet’ at nanalo ako dahil hindi ako kayang talunin ng aking nakaharap dahil na rin wala akong kalaban. Sa awa ng Maykapal nakarating ako sa ‘division meet’. Labing isa kaming nag laban-laban, at swerte ko naman at ako ang pinalad na mag wagi at nakakuha ng unang pwesto. Unang beses akong sasali sa camping noon para sa mga boys scout sa Brgy. Sta Filomena, tatlong araw kami doon. Sa unang araw pa lamang ay malas na kagad dahil sana ay sa tent kami tutulog at biglaan namang umulan ng malakas, nabasa ang tent , at sa loob na lamang nang silid kami tumuloy at nagpasyang matulog. Maraming nangyaring masasaya. Nasa ika limang baitang na ako ng una akong ma opis ng sa kadahilanang nahuli kami ng aming guro na nag hahampasan ng aklat, buti na lamang ay kinausap lamang kami n gaming guro at hindi na ipinatawag an gaming mga magulang. Naging manlalaro ulit ako ng dama at nakuha ko naman ang ika limang pwesto. Nag karoon muli ng camping. Nakakasura dahil masyadong lapit lamang sa amin at pwedeng pwede ng lakarin. Nag karoon kami ng ‘hiking’ sa camping at kinakailangan naming maghanap ng numero na nkasulat sa mga puno sa palibot ng sampaloc lake. Ang nakakayamot ay nawawala ang mga numero. Sumunod na taon ay nasa ika anim na baitang na ako. May naging kamag aral ako na hindi ko pa lubos na kakilala pero kilala na niya ako galing siya sa paaralan ng concepcion kasi dalawa ang paaralan sa amin. Isang araw ay naglilinis kami sa likod ng aming silid, kakatapos lang umulan. Habang nagwawalis kami nag-aasaran kami, nahampas ako ng aking kamag-aral ng walis, ang dumi na tuloy ng aking damit para lang akong tanga sa harap noong tinawag ako ng aking guro para magsagot sa unahan habang may dala akong bag kaya nagmukha akong tanga. Nasura din ako sa guro ko noong nasa ika-anim na baitang pa ako dahil sinabi niyang magreview daw kami sa math para sa darating na laban, pero noong nasa central na kami ay dalawa lang daw ang lalaban pero tatlo naman kaming nareview. Dahil nga tatlo kami ako ang natanggal. Nagkaroon ng camping ulit sa San Jose Malamig. Ito ay naganap noong ikawalo hangga ika sampo ng disyembre taong 2006.May kasama akong masalaw, isang beses may pumasok na bakla sa loob ng aming tent, ang ginawa ng kasama ko ay kumuha ng bote, pagkatapos ay pilit na pinapasok ang bote sa puwet ng bakla. Huling araw na ng camping, umulan ng malakas at hindi na natuloy ang camping at ibinalik na ang ibang bahagi ng bayad namin. Graduation noon nagkaroon ako ng sabit Boy Scout of the Philippines, kasabay ko pagkuha ng parangal ang 1
st honor na nakakuha ng 23 na parangal, tapos sa sobrang init at tagal ay pinag pawisan ko ng lubusan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento