Noon, ang aking ina ay nagtatrabaho bilang cook sa Caloocan. Mayroon siyang kaibigan na hinikayat syang makipag “phonepal”. Ito ay simula ng kwento ng aking buhay. Nagkakilala ang aking mga magulang sa pagtatawagan lamang. Nagsama sila at nagpakasal. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay ako.
Noong ako ay 3 buwan pa lamang |
Ako si Rodelyn B. Fonacier o kilala sa tawag na Len-Len. Nakatira kami noon sa Pasig City. Ika-29 ng Nobyembre taong 1994, isinilang sa Jose Fabella Memorial Hospital. Ang aking butihing mga magulang ay sina Elsie at Rodolfo Fonacier. Sa simula, ang aming pamilya ay masaya lalo nga’t ako ay dumating sa buhay nila. Ayon sa aking ina at ama, tuwang-tuwa ang aking ama dahil babae uli ang kanyang anak, iyon ay ako.
Akala nga ng mga doktor ay kambal ang iaanak ng aking ina, ngunit nagkamali sila dahil hindi kamnal kundi isang mataba at malaking sanggol ang lumabas. Alagang alaga ako ng aking papa na halos di padapuan sa langaw. Parati nyang sinasabi na napakawerte niya at biniayaan sya ng mga anak na tulad naming.
Subalit isang araw ay itinakbo nila ako sa ospital ng Pasig dahil hindi bumababa ang aking lagnat at timitirik pa ang aking mata. Dahil sa sobrang nerbyos, nakapunta sa ospital ang aking ama ng walang sapin sa paa. Nagulat ang aking ama at ina na ako raw ay may meningitis. Sa tuwing ako ay nagkakasakit, itinatakbo ako sa ospital. Sumabay pa ang palaging pag atake ng aking hika. Dahil dito sumangguni kami sa isang doktor na galling sa America. Ayon dito, maalis lang daw ang aking hika kapag sumailalim ako sa anim na buwang gamutan at pagtungtong ko sa pitong taong gulang. Sumapit ako sa limang taon ng aking buhay na halos pabalik balik kami sa ospital.
Ako at ang aking Ina noong ako ay bininyagan |
Nag-aral ako ng kinder sa isang day care center. Dito ay marami akong natutunan. Palagi kaming naglalaro ng aking mga kamag-aral. May iyakan, tawanan at iba’t-ibang kalokohan. Mabilis na lumipas ang panahon. Sumapit ako sa ika-6 na taon. Malapt na kong magtapos ng kinder noon. May isang pangyayari nahindi ko makakalimutan kaylanman. Naaksidente ang papa ko, nahulog siya mula sa ika-apat na palapag hanggang sa una. Itinakbo sya sa ospital. Marami ang tumulong sa amin dahil sa grabe ang naging pangyayari. Nagluluto kami noon sa aming bahay. Pumunta yung isa naming kaibigan. Naaksidente daw ang papa naming. Noong mga oras na iyon ay wala kaming ginawa kundi umiyak. Kunabukasan ay bumalik ang mama naming galling sa ospital. Pilit naming tinanong kung ano ang lagay ni papa. Pero wala siyang komento. Ang tangi niyang sinabi ay magpakabait na kami sa mag-aalaga sa amin at hintayin ang uwi nila mula sa ospital. Nalaman ito ng mga kamag-anak namin at di sila mapalagy.
May 2, 1999, pumanaw ang pinakamamahal kong ama. Halos dalawang araw lang siya sa ospital. Umuwi ang mama ko na paga ang mga mata bunga ng kanyang pag-iyak. Nabahala kami kung ano ang mangyayari. Patay na raw ang aming ama. Bagamat nasa murang edad pa lamang kami, alam na naming ang lungkot na dala na pagkawala ng aking papa. Umaasa pa naman ako noon na magkakasama uli kami at ipinanangako ko na dobleng pagmamahal at pag-aalaga ang gagawin ko oras na gumaling siya. Pero huli na ang lahat.
Ibinurol siya sa uncle naming sa Cubao. Siya ang nakatatandang kapatid ng papa namin. Nakilala ko at nakasalamuha ang mga pinsan ko sa kaunaunahang pagkakataon. Masaya dahil nagkaroon ng pagkakataon na makilala namin sila, pero ang malungkot ay nakilala namin sila sa isang masakaklap a pagtitipon. Dumating ang nga katrabaho, kaibigan, kamag-anak at mga kakilala sa huling burol ni papa. Lahat ay nagsasabing napaka bait, masipag, at mapagkumbaba ang aking papa. Dumating na ang araw na kailangan na siyang dalhin sa kanyang huling hantungan. Hat kami ay nagluluksa dito.
Ako at si Yves sa Manila Zoo |
Lumipat kami sa Bulacan kung saan nakatira ang mga kamag-anak namin sa partido ni mama doon ako pumasok ng elementarya. Nasa unang baitang ako nakumikilatis pa ng ugali ng iba kapag inuuwian ako ng aking ina sa paaralan ay umiiyak ako dahil hindi ako sanay na iniiwan. Noong nabubuhay pa kasi ang papa namin, kami ay “spoiled” pero nagyon ay hindi na iyon pwede dahil mama nalang namin ang aming kasama at naiintindihan ko iyon. Habang lumilipas ang taon sumasya ang buhay estudyante. Nasa ikatlong baitang ako. Dahil nga sa marami na akong kakilala ay nakakasabay na ako sa kaguluhan ng aking mga kamag-aral. Nakilala ko ang naging matalik kong kaibigan na sina Jennifer at si Annalisa. Palagi kaming magkakasama. Ang daming pangyayari na di namin malilimutan. Nariyan ang pag takbo-takbo at pag-lalaro sa palaruan lagi pa nga akong pinagagalitan dahil umuuwi ako na marumi ang aking damit nakakatuwa noon dahil sumayaw ng “Pearly Shells” maikli ang suot naming palda. Nagkakatuwaan pang kunyari raw kami ay nasa ibang bansa at nagsasasayaw. Masaya kami noon dahil sa iba’t-ibang karanasan.
Ako, kasama ang mga mahal kong kamag-aral noong nasa 1st year |
Larawan ko noong ako ay walang magawa |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento