|
Noong ako ay 2 taon pa lamang |
Gill, yan ang kalimitang tawag sa akin ng mga malapit sa akin tulad ng aking pamilya, kaibigan at kaklase. Ang buo kong pangalan ay Gillian Marie Reyes, sabi ng aking mommy, kinuha daw niya ang pangalan ko sa isang author ng isang libro. Ang pangalan ng nanay ko ay Rosana D. Reyes, pareho kami ng apelyido dahil sa hindi kasal ang aking mommy kay daddy. Iyon din ang dahilan kaya wala akong ‘middle initial’ dahil kapag mayroon akong ‘middle initial’ ay parang magkapatid na lang kami. Ang pangalan ng aking daddy ay Gurminder K. Singh. Isa siyang bumbay, kaya maraming nakakapansin sa akin na parang may iba akong lahi dahil daw sa mata ko. Marami akong mga kapatid sa labas, 9, ang dami nila no? Nagkaroon ang daddy ko ng limang asawa, una niyang naging asawa si mommy kaya panganay sa aming lahat na magkakapatid ay si ate Hannah. Hindi nagpakasal si mommy kay daddy dahil ayaw ng lola kong bumbay. Dahil gusto niya na ang mapangasawa ni daddy ay isa ring bumbay, kaya pinakasal ni lola si daddy sa isang bumbay kaya mayroon akong mga kapatid sa labas na purong bumbay. Sila ay sina Supinder, Rupinder at Ramandeep. Ang pangalan naman ni lola ay Surinder at ang pangalan ng kaisa-isa kong titang bumbay ay Porpinder. Ang daming natatawa kapag kinukwento ko ang pangalan ng angkan naming mga bumbay kasi parang parepareho daw “hahaha”.
|
Kami ito ni ate Hannah |
Dito kami nakatira sa may Brgy. 2-D, dito sa malapit sa bayan. Napakasaya nang aming naging pamumuhay dito kahit na hindi kami kumpleto. Para sa akin sapat na sa akin si mommy at ang inay. Inay ang tawag naming sa aming lola. Mahal na mahal ko ang inay, parang ngang siya ang mommy ko ehh. Ramdam ko sa sarili ko na noong bata pa lang ako mahal ko ang inay kaysa kay mommy. Kasi si mommy, lagi niya akong pinapalo sa puwet ng tambo at tsaka ng hanger sa hita. Ang sakit sakit talaga noon “hehe”. Pinalaki ako ng mommy at ng inay na isang maka-Diyos na tao. Bata pa lang ako ay isinasama na nila ako sa simbahan at tsaka si ate. Katoliko din kami pero medyo mahaba nga lang ang misa sa amin “tatlong oras”. Hindi tulad sa simbahan sa plaza na isang oras lang.
|
Noong ako ay 4 na taong gulang ( Cathedral of Saint John The Divine ) |
Pumasok ako ng elementarya sa central school. Tandang tanda ko pa, lagi akong napapagalitan noon ng aking guro dahil masyado daw akong maingay. Pero kahit na maingay ako nasasabi ko lamang iyong daan para hindi ako mainip sa pag-aaral. Tinagurian akong “model pupil” noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Tuwang tuwa ako noon lalung lalo na si mommy. Dito nagsisimula ang lahat ng aking pagtatagumpay sa paaralan. Kada darating ang marso ay sabik na sabik ako dahil ako ay magbebertday na at higit sa lahat malapit na ang bakasyon. Tuwing bakasyon ay nagtatrabaho ako bilang katulong sa tindahan ni mama Tess, kumare ni mommy. Nagtitinda siya ng halo-halo na napakasarap napakalaki at napakamura kaya maraming bumibili sa amin. Binibigyan ako ni mama Tess ng sweldo na 40php o kayay 50php kapag regular na araw. Pinaka importanteng araw sa pagtitinda naming ang sabado dahil may “tiangge” at may ukay-ukay doon sa amin kaya maraming nabili. Kapag ganitong araw 80php ang ibinibigay sa akin ni mama Tess. Bumili ako ng alkansiya at nakaipon ng marami. Nilalaan ko ang naipon ko sa mga tita ko sa maynila dahil alam ko na mahirap ang buhay doon kay nais kong makatulong kahit sa maliit na paraan lamang. Kaso dumating ang isang araw na nung maghuhulog na ako ng sweldo ko sa alkansiya ay napansin kong parang gumaan ito. Binuksan ko ito at nakita ko ng 3.75php na lang ang laman nito. Iyak na iyak ako noon. Kasi syempre nawala yung pera ko na pinagipunan ko pinagaan ni mommy ang loob ko, kasi noong medyo madami pa kaming pera kaya bigyan ako ni mommy ng 300php na barya at sinabing ihulog ko na lang daw doon para kunyari ayun yung pera ko. Syempre tinanggap ko yung pera para magkalaman uli yung alkansiya ko “hehehe”. Napakasaya ko nang naging buhay ko noong elementarya pero biglang nawala ang kasiyahan ko dahil namatay ang inay noong ako ay nasa ika-6 na baitang. Dahil nga sa mahal na mahal ko ang inay, dinamdam ko ito nang sobra iyak na iyak ako noon, naisip ko na sana eh nasulit ko yung mga natitira na lang na panahon na buhay pa ang inay. Hindi noon nakauwi si tita Bebot na nasa Amerika dahil hindi siya pinayagan ng doctor niya dahil sa may sakit siya sa likod. Makaplipas ang isang buwan noong namatay ang inay nagkasakit ang mommy. Nagka “high-Blood” siya. Dahil doon ay napalipat si ate Hannah sa Dizon galling sa SPC para mag 3rd year at ako naman ay doon na din nag 1st year. Hindi nakapagtrabaho ang mommy dahil doon, wala kaming mapagkunan ng pera para sa pangangailangan naming sa araw-araw. Umaasa lang kami kay tita Bebot, sa kanyang padala. Makalipas ang tatlong buwan, ay naging maayos na ang lagay ni mommy kaya nagtinda na muli kami ng manok. Sa unang araw ay mahirap, wala masyadong nabenta dahil nawala ang lahat ng suki naming. Nag silipatan na sila sa iba.
|
Sa JS Prom |
Pero ngayon na ako ay 4th year highschool na, ay medyo maayos na an gaming kalagayan. Kahit papano ay naigapang kami ni mommy. Sa wakas ay makakagraduate na ako ng highschool at si ate Hannah naman ng college. Kasalukuyan akong nasa 4A, 1B ako sa Dizon high noon. Adviser ko si Mrs. Baylon naging masaya ang unang taon ko noon sa highschool. Ang dami kong nakilala na kaibigan noon naging bestfriend ko noon si Fonacier. Masayang masaya ako noon kasi naging 1st honor ako at tsaka natuto akong magkatha nang tula. Ang nagturo sa akin noon ay ang guro ko sa Filipino na si Sir lacsam napakagaling niya lalo na sa larangan ng pagbigkas, pagsulat ng tula at pagtatalumpati. Isa siya sa mga paborito kong guro kasi masayahin siya kaya hindi nakakaantok ang kanyang pagtuturo.
|
Sa JS Prom |
Nang 2nd year naman ay napalipat ako sa seksyon A, kailangan ko muling magkaroon nang panibagong pakikisama. Naging masaya naman ang pag-aaral ko dito. Sa unang pagkakataon ay sumali ako sa paligsahan ng paggawa ng tula. Nakakatuwa dahil nanalo ako at 1st place pa. Noong 3rd year naman ay mas naging masaya ako dahil naging seksyon A din si Rodelyn Fonacier kaya magkasama kami muli, ay sumali muli ako sa paligsahan ng paggawa ng tula at nanalo muli ako ng 1st place kaya abot hanggang tainga ang aking ngiti “hahaha” ngayong 4th year na ako ay mas naging masaya dahil mas nakakapagbonding kami ng mga kaklase ko. Medyo malungkot nga lang kasi malapit na kaming magkahiwa-hiwalay. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang araw ko kasama ang mga kaklase ko at kaibigan. Pati na rin si Mr. Paul John, na aking boyfriend ngayon. Iyan ang makulay kong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento