|
noong bata pa ako |
Ako si Christine Joy ArellanoFlores,ipinanganak noong December 7 1992.Hindi na umabot sa hospital ang panganganak ng nanay ko,kaya naman sa bahay naming dito ako sa San Pablo City ako isinilang.Apat kaming magkakapatid pangalawa ako sa panganay. Ang pangalan ng nanay ko ay Christina Flores at ang pangalan naman ng tatay ko ay June Torres.Kapwa sila dito sa San Pablo City Laguna naninirahan.Hindi kasal ang aking mga magulang kaya naman apelyido ni mama ang aking ginagamit.Ako ay mayroong tatlong kapatid,dalawang lalaki at isang babae
Nagtatrabaho ang aking mga magulang noong bata pa ako,kaya naman ang nag-alaga sa akin ay ang aking lola noong maliit pa ako.Makulit daw ako at lagi daw akong nagtatanong ng kung anu-ano noong bata pa ako.Malapit
ako sa aking lola dahil siya ang nag-alaga sa akin.Kaya naman kapag umaalis siya ay gusto ko laging sumama.
|
nagtapos ako ng kinder |
Anim na taon pa lamang ako noong nag-aral ako ng kinder.Tamad pa ako noong mag-aral dahil ang lagi kong iniisip noon ay ang paglalaro at panonood na telebisyon. Kaya naman tuwing oras oras ng pasukan ay lagi akong umiiyak upang hindi na ako pilitin pumasok.Nahihiya na ako sa aking mga kalaro dahil lagi na lang nila akong nakikitang umiiyak at pinipilit pa ng nanay ko upang pumasok samantalang sila ay hindi katulad ko na kailangan pang pilitin upang mag-aral kaya nagbago na ako noon.Pumapasok na ako at hindi na kailangan pilitin pa
Noong pitong taong gulang naman ako,ako ay nag-aral sa mababang paaralan ng Fule Almeda.Grade 1 pa lamang ako noon.Tinatamad pa ako noon at kinakabahan dahil hindi pa ako sanay makipagkaibigan sa iba pang mga bata.Lagi akong umiiyak katulad noong kinder pa lamang ako upang hindi na ako piliting mag-aral,dahil ditto ay napatigil ako sa pag-aaral.Galit nag alit sa akin si Mama kaya noong dumating ulit ang buwan ng Enero ay nag-enroll ulit ako.Nag-aral ulit ako at hindi na ako umiiyak para pilitin pang pumasok.Nang mga panahon na iyon ay nagkahiwalay ang aking mga magulang.Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ito nangyari namalayan ko na lmang na hindi na naming kasama sa bahay si Papa.Habang tumatagal ay nasasanay na din ako na wala siya.Dahil ditto ay hindi na ako lagi umiiyak,lagi din akong pumapasok at hindi na tinatamad mag-aral Noong elementary pa lamang ako ay marami akong nakilalang mga bata na kasing-edad ko din.Naging kaibigan ko sila
|
limang taon pa lamang ako |
Bata pa ako noon ay marami na akong naging kaibigan at kalaro sa eskwelahan at maging sa bahay naming.Puro laro pa noon ang nasa isip ko.Kahit madalas na nagkakapikunan at nagkakaaway kami kahit sa maliliit na bagay lamang.Ganoon naman talaga ang mga bata maya-maya ay mga magkakaaway pero mamaya din ay magkakalaro na ulit.Iba-ibang laro ang aming ginagawa ng mga kaibigan ko,kaya naman lagi kaming masaya.Dahil dito ay mas gusto ko pang maglaro kesa mag-aral,karamihan naman sa mga bata ay ganoon ang inaiisip.Kaya naman kahit nasa loob na ako n gaming silid aralan ay lagi kong naiisip ang aking mga kalaro at an gaming mga larong ginagawa.Kaya naman umaga pa lamang ay gusto ko ng umuwi upang makapaglaro na kaagad.Kapag uwian na ay agad-agad akong lumalabas n gaming room upang umuwi at makaglaro na kaagad.Pagdating sa amin ay magpapalit na ako ng pambahay at lalabas na kaagad upang maglaro ng aking mga kaibigan.Tandang tanda ko pa noon nakaaway ko ang isa kong kalaro ,nalimutan ko na ang dahilan n gaming pag-aaway basta nag-away kami.Nag-aasaran kami napikon siya at kumuha ng baton a medyo malaki,bigla na lamang niya akong binato,tinamaan ako sa ulo at nagdugo.Takot na takot ako noon lalo na nang mahawakan ko ng dugo sa aking ulo.Natakot ang aking kalaro na nambato sa akin kaya siya ay nagtatakbo pauwi sa kanilang bahay.Habang ginagamot ni Mama ang aking sugat ay pinapagalitan niya ako,huwag na daw akong lumabas ng bahay.Hindi na ako lumabas ng bahay noon ngunit isang araw lang dahil naiinggit ako sa aking mga kalaro na nagtatakbuhan sa labas na aming bahay.
Nahumaling ako sa paglalaro dahil dito ay hindi ko na nagagawa ang mga takdang-aralin na ipinapagawa sa amin dahil ang inuuna ko ay paglalaro.Ngunit kahit ganoon ay nagging matalino naman akong mag-aaral n gaming paaralan.Sa katunayan ay lagi akong napapasali sa mga kompetisyon ng patalinuhan katulad ng;Quizz bee,Spelling bee,Mathrathon at kung anu-ano pa.Kaya naman tuwing recognition day ay mayroon akong natatanggap na medalya,hindi naman ako ang pinakamatalino sa aming magkakaklase pero isa ako sa mga matatalino sa amina section.Maunti lamang kaming magkakaklase kaya naman magkakaibigan kaming lahat.Lagi kaming napapagalitan ng aming mga nagiging guro dahil sa kaingayan naming.Natatandaan ko pa kapag walang nagtuturo sa amin ay naglalaro kami,ginagaya namin ang palabas sa TV iyong Marina at Engkantadia kaya naman kapag naglalaro kami nito ay napakaingay namin at ang gugulo pa.Dahil sa larong ito aya nagkaaway ang kaklase ko na si Dianara at si Erron.Pinaiyak ni Erron si Dianara kaya kami ay nagalit ditto at isang linggo ata namin syang hindi pinansin ngunit nagkabati na din naman sila.
Tuwing dumarating ang buwan ng Marso ay masayang masaya ako dahil malapit na ang bakasyon.Ibig sabihin lamang nito ay hindi ko na kailangang gumising ng maaga upang hindi mahuli sa aming klase.Kahit magpuyat ako ay ayos lang.Lalo nang madadagdagn ang aking oras na paglalaro,ganoon naman talaga ang nasa isip ng mga bata noon puro laro.Kaya naman tuwing sumasapit ang bakasyon ay lagi kaming nagkikitang magkakaibigan upang maglaro at magkwentuhan ng kung anu-anong bagay.Naglalaro din kami noon ng spirit of the glass, kahit alam naman naming na wala naman talagang kaluluwa na nasa baso ay niloloko namin ang aming mga sarili na mayroon talaga at matatakot naman kami at magtatakbuhan kahit alam naman naming na walang dapat ikatakot,para kaming mga tanga hahaha!
Lagi din kami noong nanunungkit ng ibat ibang mga prutas katulad ng mangga, rambutan ,star apple,makopa,lukban,bayabas,aratiles at kung anu-ano pa.Iniuuwi naming ito sa bahay ng isa sa aming mga kalaro at doon naming ito kinakain kaya naman lagi silang napapagalitan ng kanilang mga magulang dahil sa kalat namin.Dahil dito ay pinagbawalan na kaming tumambay doon,ngunit kapag wala ang kanilang mga magulang aya nandun kami at nakatambay,nililinis na lang ang mga kalat upang hindi mahalata ng kanilang mga magulang na natambay pa rin kami sa kanilang bahay. Kapag gabi ay madalas kaming maglaro ng tagu taguan,madaming beses na akong nadapa dahil sa larong ito ngunit hindi pa din ako umaayaw sa laro dahil masaya naman.
Namatay ang lola ng isa naming kalaro,madalas pa naman kaming tumambay sa kanilang bahay.Dahil dito ay natatakot na kaming pumunta sa bahay na iyon dhil baka nagmumulto doon ang kanilang lola.Pero dahil nga makulit kami ay napunta pa rin kami doon upang magkwentuhan.Lagi kaming nagtatakutan kapag nandoon kami madilim pa naman sa bahay na iyon lalo na kung gabi dahil brown out.Naglolokohan kami na may nakita kaming matanda na parang nakaputi at parang nakalutang doon sa cr,pero wala naman talaga kaming nakita sinasabi lamang naming iyon upang takutin ang isat isa.Kapag pinag-uusapan naming iyon ay sabay-sabay kaming magkakatinginan magkakalaro at bigla bigla na lamang kaming mag-uunahan sa pagtakbo palabas sa bahay na iyon.Para talaga kaming mga tanga tinatakot namin ang aming mga sarili sa wala hahahah!
Ito ang dahilan kaya gusting-gusto ko ang bakasyon dahil marami talagang mga bagay na masasaya na hindi ko malilimutan,ang mga kakulitan naming noong bata pa kami at masasayang magkakasama
Natatandaan ko din na gumawa kami ng bahay-bahayan sa gubat(pero hindi talaga gubat iyon tinawag lang naming gubat dahil marami ditong puno)malaki ang bahay-bahayan na nagawa namin lagi namin itong nililinis(daig pa ang totoong bahay namin hahah!).lagi kaming nandoon.Nag-aambagan din kami noon upang magluto ng kung anu-ano sa aming bahay-bahayan kaya naman laging masaya.Ngunit sinunog ng ibang mga bata ang aming bahay-bahayan dahil naiinggit sila sa amin.
|
nagtapos ako ng elementarya |
Noong grade 6 na ako ay hindi na ako laging naglalaro.Lagi na lamang ako nasa bahay kapag wala sa paaralan.Lalo na kaming naging close magkakaklase,huling taon na namin ito sa elementarya kaya naman lalo akong nagsipag sa pag-aaral.Ayoko pa noong magtapos sa elementarya dahil natatakot pa ako noong mag-highschool at siguradong ma-mimiss ko ang aking mga kaklase dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.Noong graduation ay nalungkot ako pero masaya naman ako hindi nga ako umiyak noon pero iyong iba talaga iyak na.
Noong mag-highschool na ako,ako ay kinakabahan dahil bago ang lahat.Bago ang mga kaklase,bagong mga guro,bagong paaralan at panibagong pakikisama sa mga bagong kaklase Ako ay napabilang sa pinakamataas na section(science section), ngunit nagpalipat ako hindi ko alam ang tunay na dahilan baka nahihirapan lang ako sa mga aralin o hindi ko lang talaga feel ang mga bago kong kaklase.Nagpalipat ako sa section pangalawa sa pinakamataas na section.Dito ay madami akong naging kaibigan.Ang iba kong kaklase ay mga mahiyain dahil pare-pareho lamang kaming bago doon,yung iba naman ay suplada/suplado pero nagging kaibigan ko din naman sila.Naging masaya ang unang taon ko sa highschool dahil sa marami akong naging ka-close at kaibigan. Napag-isip-isip ko na hindi naman pala ganon kahirap ang maging highschool katulad ng iniisip ko noong elementary pa lamang ako.Madali lang naman pala ito parang niririview lang ang mga itinuro noong elementary.Lumaban din kami ng ibat-ibang kompetisyon sa iba pang mga section katulad na lamang ng Ibong Adarna at Nutri-jingle at marami pang iba. Mayroon din akong mga kaklase na parang bata pa rin kung kumilos mga pikon pa rin at laging mga nag-aaway.Pero ayos lang naman iyon dahil nagkakasundo rin naman sila.
2nd year highschool ako ay section A pa rin ako.May napadagdag sa amin at may natanggal din sa aming section,naging kaibigan ko din sila. Madali lamang naman ang mga itinuturo sa amin nahihirapan lann ako sa math dahil kahit anong pag-intindi at pag-aaral ko sa subject na ito ay hindi ko pa din maunawaan kaya naman mababang grade ang nakukuha ko dito.Ngunit kahit ganoon ay nakakapasa pa rin naman ako,pinipilit ko naman na mapataas ito pero hindi ko talaga magawa.
Masaya din naman ang taon na ito para sa akin.Natatandaan ko pa noon maroon akong kaklase na lagi akong inaasar at lagi niyang tinatapakan ang aking sapatos.H apon noon naglalakad kami ng mga kaibigan ko at kaklase din,awas na kami noon bigla na lamang inapakan ng kakalase na laging nang-aasar sa akin ang aking sapatos.Hiyang-hiya ako noon dahil maraming mga estudyanteng nakakita.Muntik na akong umiyak noon dahil hiyang-hiya talaga ako sa nangyari,buti na lamang at tinulungan ako ni Gillian ang aking kaklase sumakay kami sa traysikel at nagpahatid kami s kanila.Nanghiram ako ns tsinelas sa kanila dahil nga nasira ang aking sapatos.Kinabukasan ay nahihiya na akong pumasok dahil baka asarin ako ng aking mga kaklase dahil sa nangyari, inasar nga nila ako at tinawag na CINDY pinaikling Cinderella,dahil para daw akong si Cinderella.Nagalit ako sa may gawa noon dahil napahiya talaga ako sa nangyari,sabi ng mga kaibigan ko ay isumbong ko daw sa aming adviser upang mapagalitan siya.Isinumbong ko nga siya at napagalitan siya ng aming adviser.Kaklase ko pa rin siya hanggang ngayon hindi na ako galit sa kanya dahil matagal na iyong nangyari.
Ikatlong taon ko sa highschool ay ganoon pa din ang section ko.Naging napakasaya nito dahil nagagawa ko ang hindi ko pa nagagawa noong mga nakaraang taon,katulad ng pag-iinom ngunit hindi ko lagi ito ginagawa kapag may okasyon lamang.Hindi din ako nagpapakalasing dahil baka mapagalitan ako sa amin.Naging mas tamad din akong mag-aral dahil nagging abala ako sa mga bagay na hindi naman gaanong mahalaga katulad ng pagbabasa ng pocketbook at pagcocomputer.Kaya naman bumaba ang aking mga grade dahil ditto ay napagalitan ako ni mama.Kahit naman ganoon ay hindi pa din ako bumabagsak sa aming mga subject.Akala ko nga noon ay mapapalipat na ako sa mas mababang section
Maraming mga activity ang ginagawa sa aming paaralan kaya naman hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring ito.Lagi din kaming magkakasamang magkkabarkada sa mga galaan pero hindi naman kami nagcucuting kahit lagi kaming gumagala.
4th year na ako huling taon ko na ito sa highschool masaya ako dahil sa wakas ay mgiging college na ako,pero nalulungkot naman ako dahil mamimiss ko ang aking mga kaibigan at mga kaklase.Hindi ko pa alam kung anung course ang kukunin ko sa college sabi ni mama ay mag-teacher na lang ako pero ayoko naman.Para kasing pag nag-teacher ako ay habang-buhay na akong nag-aral.
Mas masipag na akong mag-aral ngayon kesa noong mga nakaraang taon kaya mas matataas na ang mga grades ko ngayon.Mas masaya na ngayong taon na ito sinusulit na naming dahil last na naming itong magkakasama-sama.Marami pa din mga activities na ginaganap sa aming paaralan.
Noong ganapin ang mini-olympics ay naging masaya naman andami kong larong sinalihan na laro,andami na naming panalo nag-champion kami sa volleybol at soccer.Noong naglaro kami na soccer kalaban naming ang science section gustong gusto naming manalo noon dahlia kapag kami ay nanalo ay champion na kami.Nanalo nga kami pero nadapa naman ako dahil natalapid ako,ewan ko kung sinadya iyon o hindi pero nasaktan talaga ako andami pa naming nakakita.pero ayos lang yon dahil nanalo naman kami.
Araw araw ay marami kaming mga kalokohan ang aming ginagawa dahil dito ay mas lalo pang naging masaya ang natitira pa naming highschool days.Madaming mga guro ang nagaglit sa amin dahil sa aming kaingayan at kakulitan dahil ditto ay nappag-usapan na kami ng mga guro sa aming paaralan.mas nagging close pa kaming magka-kaklase.Ngayon ay malapit na ang graduation malapit na kaming makahiwa-hiwalay na magkakaibigan kapag naiisip ko ito ako ay nalulingkot ngunit ganun talaga kailangan talaga mangyari iyon upang tupadin namin ang aming mga pangarap.
|
ako ngayon |
Madaming nagpupunta sa aming paaralan upang mag endorse ng mga paaralan sa college.Hindi ko pa din alam kung saang school ako papasok at kung anong course ang aking kukuhanin.Baka mag-bussiness management na lang ako dahil iyon naman talaga ang hilig ko.Sana lamang ay matupad ko ang aking mga pangarap upang matulungan ko ang aking mga magulang.Upang patunayan ko sa iba na kahit ganito ako ay mayroon naman akong mararating.Sa mga kaklase ko ngayong highschool siradong mamamiss ko silang lahat at hindi ko makakalimutan ang mga masasayang nangyari na kasama ko sila.Sana ay matupad nating lahat n gating mga pangarap,at kapag nagkita-kita ulit tayo ay alalahanin natin ang hindi makakalimutang mga pangyayari n gating highschool life.